Don't Let Me Go, Diana

Chapter 12



Chapter 12

"UMUWI na tayo."

Mula sa pagkakayukyok sa mesa, dahan-dahang nag-angat ng mukha si Diana nang marinig ang

pamilyar na boses na iyon ni Alexis. Nagmamadali siyang inalalayan nito patayo. Kumunot ang noo

niya. "Bakit ka bumalik? May meeting ka pa, 'di ba?"

"You've always been more important to me than any meetings in the world, Diana." Seryosong sagot ni

Alexis. Idinantay nito ang palad sa noo ni Diana. "Hindi rin nila ako mapapakinabangan doon kung

sakali. Because my mind is right here with you. Dapat hindi na kita iniwan kanina. Bakit kasi ang tigas

ng ulo mo? You should be resting by now. Ang taas ng lagnat mo."

Sa kabila ng matinding pananakit ng ulo, sumilay pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi ni Diana

nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng binata kahit pa nanenermon ang boses nito. Masama na

ang pakiramdam niya nang magising siya nang umagang iyon pero pinilit niya pa ring pumunta sa

flower shop. Hindi niya nakaugaliang manatili lang sa bahay kapag may iniinda dahil pakiramdam niya,

lalo lang siyang magkakasakit kapag nakahiga.

Mula pa nang sunduin siya ni Alexis at makita ang kanyang anyo ay iginiit na nitong huwag na siyang

pumasok. Pero nagpumilit pa rin siya. Matapos siyang ihatid sa flower shop, nanatili pa ito roon ng

ilang sandali.

Kung wala lang importanteng meeting sa mga kliyente si Alexis, nakasisiguro siyang hindi ito aalis sa

tabi niya pero bago iyon ay katakot-takot na muna ang naging bilin nito sa kanya at sa dalawang

babaeng staff niya tungkol sa pag-inom niya ng gamot na ito pa ang bumili kaninang nasa daan sila.

"Can you walk?" Ani Alexis matapos isukbit sa balikat nito ang bag niya. Hindi niya alam kung paano

nangyaring napaka-manly pa rin nitong tingnan sa kabila niyon. Ang mga matatag na braso nito ay

nanatiling nakaalalay sa kanya.

"Oo naman." Umirap si Diana kahit pa nagsisimula na namang maapektuhan ang puso niya dahil sa

presence ng binata. Nakalabas na sila ng maliit niyang opisina sa loob ng shop. "Masyado mo naman

akong bine-baby."

"Because you are indeed, my baby." Walang gatol na sagot ng binata. Narinig ni Diana ang pagsinghap

ng kanyang mga staff na una pa lang ay vocal na sa pagsasabi sa kanyang crush ang binata. At hindi

niya masisisi ang mga ito. Alam niyang likas na maraming naghahabol kay Alexis. Mula sa mga

babaeng nagiging kliyente nito hanggang sa mga socialites at modelo. Pero para bang parati itong

walang pakialam sa mga iyon.

Dahil tuwing magkasama sila ni Alexis, malinaw niyang nakikita ang sariling reflection sa mga mata

nito. Dahil sa kanya lang nakabuhos ang buong atensiyon nito na para bang siya lang ang nakikita at

naririnig nito.

"Because you are indeed, my baby." Sa mga ganoong pagkakataon ay gustong umasa ng puso niya.

Tayo na lang, Alexis. Tayo na lang, please.

"Kayo nang bahala dito sa shop." Ani Alexis sa mga tauhan niya na mabilis namang tumango bago sila

umalis.

Nang makarating sa tapat ng kanyang townhouse ay halos nanginginig na siya sa lamig kahit na hindi

naman nagbukas ng aircon ang binata sa sasakyan nito. Marahas na napabuga ito ng hangin. Matapos

maigarahe ang kotse ay binuhat na siya nito papasok. Dinala siya nito sa mismong kwarto niya at

marahang ibinaba sa kanyang kama.

"Stay here. Gagawa na muna ako ng soup." Anang aligagang binata na akmang lalabas na ng kwarto

nang muling bumalik sa kama. Nagsalubong ang mga kilay nito. "Nakainom ka na ba ng gamot? May

gusto ka bang ipabili? Sabihin mo lang para makalabas na ako. O magpalit ka kaya muna? Or should I

make you a chocolate drink first? Shit." Naisuklay nito ang mga daliri sa buhok nito. "Ano bang uunahin

ko-"

"Relax." Namamaos na sinabi ni Diana. Tuwing nagkakasakit siya ay ganoon si Alexis: parating

natataranta.

"How can I relax? You're sick!" Pinatay ni Alexis ang aircon sa kwarto nang mapunang dumoble ang

panginginig niya. Nagmamadali itong tumabi sa kanya sa kama at niyakap siya pero itinulak niya ito.

"Baka mahawa ka-"

"To hell with that." Parang balewalang sagot ni Alexis bago muling ikinulong si Diana sa mga bisig nito.

Marahang hinagkan siya nito sa noo kasabay ng masuyong pagsuklay ng mga daliri sa kanyang

buhok. "Diana, don't get sick again. Tuwing masama na ang pakiramdam mo, tawagan mo lang ako. O

kaya kahit mag-text ka lang. Kailan ba ako hindi dumating agad para sa 'yo? Para maagapan sana

natin 'yong ganito. I hate this feeling. Para akong inahing pusa tuwing nagkakasakit ka. Inahing pusa

na walang magawa."

"Your presence is more than enough, Axis." Pumikit si Diana at gumanti na rin ng yakap sa binata. Higit

pa ito sa gamot na kailangan niya. Pagkalipas ng ilang sandali, narinig niya ang mahinang pag-awit ng

binata na para bang ipinaghehele siya hanggang sa makatulog siya.

Madilim na nang magising si Diana. Dahil bahagya nang nakapagpahinga ay bumuti-buti na ang

pakiramdam niya. Agad na hinanap niya si Alexis pero wala na ito sa tabi niya. Mukhang umalis na ito

habang tulog siya. Pinigilan niya ang pamumuo ng pagkadismaya sa puso niya. Inalagaan na siya nito

kanina. Sapat na iyon.

Bumangon na siya at lumabas ng kanyang kwarto. Agad na sumalubong sa kanya ang mabangong

aroma ng soup na iisa lang ang kilala niyang nagluluto bukod sa kanyang ama. Si Alexis. Noon ay

pareho silang walang hilig sa pagluluto ng binata. Kahit ang kanyang ina ay ganoon rin. Pero nang

unang beses na magkasakit siya simula nang maging magkaibigan sila at nasa business trip ang

kanyang ama na nagluluto ng espesyal na soup nito na parati niyang nire-request tuwing nagkakasakit

siya, bigla ay ginusto ni Alexis na matuto.

Pagbalik ng kanyang ama noon, agad nagpaturo si Alexis ng mga putaheng paborito niya. Hanggang

ngayon ay may kung anong init pa ring hatid ang bagay na iyon sa puso niya. Dahil mula noon ay todo-

todong effort na ang ginugugol nito para sa kanya.

Naabutan niya si Alexis na abala sa kusina na para bang ito ang nagmamay-ari niyon. Hubad-baro ito

at apron lang ang nakatakip sa makisig na katawan. Napalunok si Diana. When will Alexis stop being

so sexy at everything he does? "Axis..."

Agad na humarap sa direksiyon niya ang binata. Nagsalubong ang mga kilay nito. Hininaan na muna

nito ang apoy sa kalan bago nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Bakit bumangon ka na?" Kinapa nito ang noo at leeg niya. "Mainit ka pa rin."

"Okay na ako-"

"No."

Sa pagkabigla ni Diana, pinasan siya ni Alexis at muling ibinalik sa kanyang kwarto. Inihiga siya nito sa

kama. Itinaas nito ang kumot niya hanggang sa kanyang mga balikat. Muling nagwala ang kanyang

puso lalo na nang haplusin nito ang kanyang mga pisngi. "Stay here. Dinner will be served very soon."

"Why are you doing this, Axis? Masyado mo kong inii-spoil." Naibulong niya. "'Wag mo 'kong sanayin

sa ganito. Baka kapag nagka-girlfriend ka na, hanap-hanapin ko 'to."

"Okay lang. Wala naman akong girlfriend. Saka sakaling magkaroon man, I will still do this for you.

Walang magbabago. Bakit ko 'to ginagawa? Because I care, Diana. I will always do."

Humigpit ang pagkakahawak ni Diana sa kanyang cell phone sa pagsagi sa isip ng mga alaala niya sa

kauna-unahang lalaki bukod sa kanyang ama na nagpahalaga nang sobra-sobra sa kanya, lalaking

ilang araw niya nang hindi ma-contact.

Axis, nasaan ka na ba? Nag-aalalang napasandal siya sa pinto ng unit ni Alexis. Ilang araw na siyang

pabalik-balik sa unit pati na sa opisina nito pero hindi niya ito matagpuan. Sa tuwing matatapos sila ni

Jake sa pag-aasikaso ng ilang detalye tungkol sa kanilang kasal, agad niya nang hinahanap si Alexis.

"Axis? Thank God, you finally answered the phone! Nasaan ka ba? May... May ibabalita sana ako sa

'yo. Noong isang araw ko pa 'to gustong sabihin sa 'yo, noon mismong birthday mo pero hindi kita ma-

contact." Pumasok sa isip ni Diana na palitan nila ng mga salita ni Alexis nang sagutin nito sa wakas

ang tawag niya. "You need to be here. I... I'm getting married."

Ilang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Kung hindi niya lang naririnig ang Original from NôvelDrama.Org.

paghinga nito sa kabilang linya, baka pinagdudahan niya na kung naroroon pa ito. "Axis?"

"Are you happy?"

Hindi agad nakasagot si Diana. Hindi iyon ang inaasahan niyang marinig mula sa binata. Pero... ano

nga ba ang gusto niyang marinig kung sakali?

"Diana, I'm asking you. Are you happy?"

Masaya nga ba siyang talaga? Marahas na naipilig niya ang ulo bago tumango kahit pa hindi naman

siya nakikita ng binata. Ano bang pinag-iisip niya? "Y-yes. I am."

"Then congratulations. I wish you all the best, sweetheart."

Sweetheart. Noon lang siya tinawag ni Alexis nang ganoon. Napalunok siya. Simpleng salita pero bakit

parang nalunod ang puso niya?

"Nasaan ka ba?" Aniya nang makabawi. "Kailangan kita rito, Axis. I'm getting married in less than two

months. Kailangan mong um-attend ng rehearsal. Kailangan mo na ring masukatan ng damit. You're

going to be the best man-"

"No. I'm sorry. I can't."

Parang sandaling bumagsak ang puso ni Diana. "B-but... why?"

"Alex? Come on, kumain na tayo." Anang malamyos na boses ng babae sa background.

"Axis, sinong kasama mo?" Bigla ay naalertong sinabi ni Diana. "Sigurado akong boses 'yan ni Lea.

Nagkabalikan na ba kayo-"

"Look, Diana. I'm sorry, but I have to hang up now." Sa halip ay sagot ng binata. "Don't worry; I will be

at the wedding, that's for sure. I wouldn't miss it for the world. Hindi ko lang kayang maging best man.

May mga importanteng business transactions kasi akong kailangang puntahan at baka magtagal pa

ito." Anang binata bago naglaho na sa kabilang linya.

"Mas mahalaga pa ba 'yang business transaction na 'yan kesa sa akin na best friend mo? I thought you

will always be there for me? Kailangan kita dito. Kailangan kita... lalo na ngayon." Bulong ni Diana sa

kawalan. "Nagkabalikan na ba kayo ni Lea kaya hindi mo na ako maalala?" Bakit parang hindi niya

nagustuhan ang bagay na iyon? Malakas na natampal niya ang noo. "Goodness, Diana. You're getting

married. What are you thinking?" Nanghihinang naupo siya sa malamig na tiles sa pasilyo.

Mula sa mismong oras na nag-propose sa kanya si Jake hanggang sa mga sandaling iyon

pakiramdam niya ay nakasakay siya sa ferris wheel na hindi pa rin humihinto, patuloy lang sa pag-ikot.

Dahil ang buhos ng mga pangyayari ay hindi na rin huminto. Sa lahat ng mga iyon ay nagpatianod lang

siya.

Parang nakikipag-marathon na ginusto ni Jake na maikasal sila agad dalawang buwan mula nang araw

na mag-propose ito. Kinabukasan, nagpunta ang binata sa mansiyon ng kanyang mga magulang para

sa pamamanhikan. Nabigla man ang kanyang mga magulang, malugod pa ring tinanggap ng mga ito

ang kanilang desisyon.

Nag-hire si Jake ng wedding coordinator para hindi na daw siya mapagod sa pag-aasikaso ng kasal.

Noong nakaraang linggo, nagpunta na sila sa Singapore para mamili ng mga ready-made na isusuot

nila na gawa ng isang sikat na wedding designer. Ngayon ay halos tatlong linggo na lang bago ang

kasal. Halos maayos na ang lahat... maliban sa puso niya.

Sigurado siyang gusto niyang pakasalan si Jake kaya hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon siya

mula nang hindi na makita si Alexis. Bago ang proposal ni Jake na naghatid ng matinding pagkagulat

sa kanya, nakahanda na sa mansiyon ng mga magulang ang sorpresa nila para sa birthday ni Alexis.

Ilang beses nila itong tinawagan ng kanyang mga magulang pero unattended ang cell phone nito.

Mahigit isang buwan niya nang hindi nakikita si Alexis. Hindi niya masabi kahit kanino ang nararamdam

dahil hindi niya alam kung may makakaunawa sa kanya samantalang kahit ang sarili niya ay hindi niya

maunawaan.

Gusto niya si Jake, gustong-gusto. Mali, mahal niya na ito. Nakasisiguro siya na nagawa na nitong

makapasok sa puso niya. Madalas na itong laman ng isip niya. Napatunayan niya iyon sa halos isang

taon nang relasyon nila. Masaya siya sa piling nito. Hindi niya kailanman pinagsisihan na tinanggap

niya ito sa buhay niya. Si Jake ang perpektong lalaki para sa kanya. Mahal niya ito at mahal siya nito.

Iyon lang naman ang simpleng requirement niya sa paghahanap ng taong mamahalin. Iyong

assurance... na siya ay minamahal rin.

Aminado siyang dahil sa pagiging abala sa bagong relasyong pinasok, hindi na niya gaanong

nakakausap at napagkikita si Alexis. At nakokonsensiya siya. Dahil kahit noong nagka-girl friend ang

binata, hindi man siya nito nahahatid-sundo gaya nang dati, hindi kailanman nabawasan ang oras nito

sa kanya. Alam niyang hindi na siya nagiging patas sa binata. At ayaw niyang bigyan ng katwiran ang

ginawa dahil ayaw niyang saliksikin ang kaibuturan ng kanyang puso.

Hindi siya handang malaman ang sagot kung bakit nagkakaganoon siya ngayon. Kung bakit kahit

kasama niya ang tinagurian niyang man of her dreams na si Jake ay may mga sandali pa ring

pumapasok si Alexis sa isip niya... hanggang sa nahihirapan na siyang paalisin pa ito roon.

Ilang linggo na lang at ikakasal na siya. Pero nang mga sandaling iyon, para bang gusto niya na

munang takasan ang katotohanang iyon. Hindi niya dapat iniisip si Alexis. Hindi sa ganoong panahon.

Bakit pa kung ganoong sigurado naman siyang ligtas ito saan man ito ngayon sa piling ni Lea? Bukod

pa roon, sigurado siyang darating ito sa kanyang kasal. Wala siyang dapat ipag-alala. Pero hindi niya

mapigilan ang mag-isip.

Wala siyang kahit na sinong gustong makita... maliban sa orihinal na sandigan niya. Maliban kay

Alexis. Kailangan niya ito bilang best friend niya. Pero higit pa roon, kailangan niya ito para sa puso

niya. Para pakalmahin iyon. At alam niya, sa oras na dumating ito ay matatahimik lahat ng boses sa

isipan niya... dahil doon ito expert. Nagagawa nitong ipakalimot sa kanya lahat. Lahat-lahat.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.